*8 taon na sa pagtuturo
*marami nang naturuang ibang lahi gaya ng Chinese, Korean at Japanese
*matiyaga at mahaba ang pasensya ko bilang guro.
Masaya ako sa tuwing natututo at nagkakaroon ng kumpyansa ang aking mga estudyante sa pagsasalita ng Tagalog.
Nais kong turuan ang mga estudyanteng ibang lahi na nais matuto ng salitang Tagalog. Kung nais ninyong makahanap ng trabaho sa Pilipinas, o kayo ay may mga kaibigan o kasintahan sa Pilipinas kaya nais nyong matuto ng aming wika, handa akong tulungan ka.
Ang aking technique sa pagtuturo ay madali lamang,ngunit sisiguraduhin ko na kayo ay matututo at mag eenjoy habang natututo.
Pakisuyo lamang na sabihan ako dalawang oras bago ang klase kung kailangan nyong kanselahin.